Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Senior High School News » AdZU SHS Dumalo sa Sesyon Ukol sa Pag-unawa sa Kabataan

AdZU SHS Dumalo sa Sesyon Ukol sa Pag-unawa sa Kabataan

Hinikayat ng pangangailangan na magbigay ng kalidad na suporta at serbisyo sa kabataan ngayon, ang mga Guro at Kawani ng Mataas na Paaralang Senyor ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga ay dumalo sa isang sesyon na may pamagat na “Understanding Young Adults” na inorganisa ng AdZU Formation Office noong ika-16 ng Agosto, 2024, mula 01:30 NH hanggang 04:00 NH sa Multi-Purpose Covered Courts 1.

Ang Panauhing Tagapagsalita na si Fr Jordan Orbe, SJ, PsdyD, kasalukuyang Executive Director ng EMMAUS Center for Psycho-Spiritual Formation at nagsanay sa larangan ng Clinical Psychology at Psychotherapy, ay nagbahagi kung paano matutulungan ang kabataan sa paglikha ng makabuluhang karanasan sa pamamagitan ng pagpapakita ng interes sa kanilang mga aktibidad, kapwa, at damdamin. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng sensitibidad at paglikha ng rapport sa kabataan, o sa konteksto ng Pamantasan, sa mga mag-aaral dahil ito ay ilan sa mga paraan upang ipakita ang suporta sa kanila.

Maliban sa mga guro at kawani ng SHS, kabilang din sa mga dumalo ang mga mula sa Junior High School at Grade School, na may suporta mula sa kanilang mga kinauukulang Principal at Assistant Principal.

Habang patuloy na isinusulong ng Pamantasan ang propesyonal na pag-unlad ng mga guro nito, ang pangunahing layunin ay malinaw: upang paganahin ang mga mag-aaral na umunlad sa kanilang akademiko at personal na buhay. Dahil dito, matutupad ang misyon ng pang-kabuuang edukasyon na itinatag ng Pamantasan Ateneo de Zamboanga.

Mga larawan kuha ni Ervie Ray Ganub mula sa Aguila Communications and Promotions Office – The Official Communications and Promotions Office of the Ateneo de Zamboanga University Senior High School