Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Grade School Subject Areas » Departamento ng Filipino

Departamento ng Filipino

DEPARTAMENTO NG FILIPINO

Bilang bahagi ng isang Filipinong Pamantasan layunin ng Kagawaran ng Filipino para sa kanyang mag-aaral na:

1. malinang ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat, pag-iisip at pakikipagtalastasan sa wikang Filipino;

2. mapaunlad ang talasalitaan upang matugunan ang mga pangangailangan sa ikatutulong ng mga mag-aaral sa iba’t ibang pagkakataon;

3. malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasatitik ng mga iniisip at dinaramdam at maitanim ang mga tunay na maka – Pilipinong kaisipan at mithiin sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kaugalian, tradisyon, paniniwala at kasaysayan ng Filipino;

4. malinang ang kasanayan sa pag-unawa tulad ng pang-unawang literal, interpretasyon, panunuri, aplikasyon, at pagpapahalaga tungo sa mahuasay at mataas na pakikipagtalastasan maging sa pagsasalita o pagsulat: at

5. mapa-unlad ang kamalayang panlipunan bilang tao para sa kanyang kapwa, at pagaglang at pag-iingat sa kalikasan.

Bilang bahagi ng paghahanda para sa Paaralang Sekondarya, layunin ng Kagawaran ng Filipino na:

1. ihanda ang mga mag-aaral sa mga gawaing sa pamamagitan ng pagsasangkap ng kanilang kaalaman at galing upang magagamit nang wasto sa pagsusulat, at pakikipagtalastasan nang wasto sa wikang Filipino bilang paghahanda sa pangsekondaryang edukasyon; at

2. mabigyan din ng pansin ang paglinang sa kakayahang makapagpapahayag ng saloobin sa kritikal na pamamaraan at malikhaing pag-iisip na gumagamit ng malinaw at makapanghihikayat na mga salita sa pang-araw-araw na buhay at paglutas ng mga karaniwang suliranin.

Bilang bahagi ng isang Katolikong Pamantasan, layunin ng Kagawaran ng Filipino na:

1. mapag-aralan ang mga araling pangkaalaman at pangkasanayan na tumutugon sa mga pangunahing kaisipan, kagandahang-asal, kahalagang moral at ispiritwal, pagpapahalaga tungo sa pagkakaroon ng pananagutang panlipunan, lalung-lalo na ang pagpapakita ng paggalang sa kapwa na taglay ang pagmamalasakit tulad ng ginawa ni Hesu Kristo sa paraang hindi ipinakita ang pagkampi sa alinmang sekto ng relihiyon.

Bilang bahagi ng Heswitang Pamantasan, nilalayon ng Kagawaran ng Filipino na:

1. hubugin at turuan ang mga kabataan ng mabuting pamumuhay at kalinisan ng hangarin sa buhay ng kabanalan at pag-uugali, pagkakaroon ng kaukulang responsibilidad, dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo tungo sa pagpapaunlad at kahalagahan ng tungkuling ginagampanan ng isang mamamayan sa bansa at sa buong Kanlurang Mindanao, higit sa lahat ang pagiging tunay na Atenista para sa kapwa.

 

Previously Posted