SALAMAT BUWAN NG WIKA AT INTRAMS 2011, PAALAM AGOSTO
ni Ginoong Francis Rodolfo Marcial
Matagumpay na winakasan ng mataas na paaralan ng Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga ang kanilang sabay ng pagdiriwang ng dalawa sa pinakaaabangang kasiyahan – Buwan ng Wika at Intramurals 2011.
Inilunsad ang pagbukas ng Buwan ng Wika noong ika-2 ng Agosto sa pagtatanghal ng Punlaan at pag-awit nina Jamie Cua at Pillar Cabanlit ng Lipad ng Pangarap – temang awitin ng pagdiriwang nitong taon. Sumunod ang pagsasaayos ng bawat klase ng kani-kanilang bulletin board alinsunod sa naatasang tema para sa bawat taon.
Inilunsad naman ang tatlong araw na High School Intramurals noong ika-25 ng Agosto kung saan nagtanghal ang bawat taon ng kani-kanilang cheerdance presentation. Sina Bb Hannah Osario at G Jeffrey Barrera ang nanguna bilang host ng palatuntunan. Nagwagi ang Juniors para sa higher level category at ang Sophomores para sa lower levels category. Nagkaroon ng patimpalak sa iba’t ibang larong pampalakasan tulad ng basketball, soccer, sepak takraw, badminton, chess at volleyball.
Pinahalagahan naman ang iba’t ibang laro ng lahi noong sumunod na araw kung saan nagsama-sama ang mga mag-aaral, mga guro at staff sa paglaro ng palosebo, patintero, tumbang preso, kadang-kadang, sipa at chacha.
Winakasan ang dalawang pagdiriwang na ito noong ika-27 nang ang lahat ng klase ay naging abala sa paghahanda ng kani-kanilang silid-aralan para sa pista sa nayon. Samu’t saring pistang Pilipino ang nasaksihan na ginaya sa mga pista mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Natikman din ang iba’t ibang putaheng Pilipino na inihanda para sa masayang araw na iyon.
Formal na nagtapos ang paggunita sa taunang Buwan ng Wika at Intramurals kinahapunan ng ika-27 sa pangunguna nina Raffy Petate, Pia Sotto, Mina Tan at Nikko Piolo bilang mga host ng palatuntunang pangwakas. Nagtanghal ng sayaw na Kappa Malong-Malong ang High School Dance Troupe na sinundan ng pagpasok nina Andrei Redoble at Geanice Anni, pawang regional players, na dala-dala ang bandila ng Pilipinas at seal ng Ateneo de Zamboanga habang kasunod si Aira Cavan – isang pambansang manlalaro – na dala ang torch ng Intrams.
Inawit muli nina Jamie Cua, Pillar Cabanlit at Chelsea Manogura ang Lipad ng Pangarap. Nagtanghal ng awiting ‘Pananatili’ ang High School Liturgical Society. Ikinatuwa naman ng karamihan ang pagtatanghal ng mga guro ng sayaw na Cariñosa at pop dance. Inawit din nina G Ricky Baluca at G Renante Tubil sa sarili nilang versyon ang Ako’y Isang Pinoy.
Binasa ni Bb Cristina Brizo, Puno ng Kagawaran ng Filipino ang mga nagsiwagi sa iba’t ibang patimpalak para sa Buwan ng Wika. Si G Santiago Araneta, Admission and Scholarship Coordinator at G Pilamer Araneta, Direktor ng Office of Student Services na silang naggawad ng mga premyo sa mga nagsiwagi. Ginawaran din bilang mga nagwagi sina sa photography contest sina Kristel Barrios (Unang Puwesto) ng Ferndale International School, Jennievie Arevalo (Ikalawang Puwesto) ng Zamboanga Chong Hua High School at Hannah Faith Guevara (Ikatlong Puwesto) ng Claret School of Zamboanga. Gayon din sina Rain Erika Angelita (Unang Puwesto) ng Zamboanga Chong Hua High School, Karen Mangubat (Ikalawang Puwesto) ng Don Pablo Lorenzo Memorial High School at Nurjiji Ajabalih (Ikatlong Puwesto) na nagsiwagi para sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay.
Inihayag naman bilang over-all champion para Intramurals 2011 ang Juniors na sinundan ng Sophomores, Seniors at Freshmen.
Mga nagwagi sa patimpalak sa pagbuo ng bulletin board ng Buwan ng Wika 2011
Puwesto | Unang Taon | Ikalawang Taon | Ikatlong Taon | Ikaapat na Taon |
Unang puwesto
| St Noel Chabanel | St Francis Regis | St Joseph Pignatelli | St Thomas Garnet |
Ikalawang puwesto | Bl Peter Faber | St Edmund Campion | St David Lewis | St Ignatius of Loyola |
Ikatlong puwesto | St Claude la Colombiere | St Stephen Pongracz | St Francis Xavier | St Philip Evans |
Mga nagwagi sa patimpalak sa Pinakamagandang Konsepto ng Pista sa Nayon
Puwesto | Unang Taon | Ikalawang Taon | Ikatlong Taon | Ikaapat na Taon |
Unang puwesto
| Bl Peter Faber | St Edmund Arrowsmith | St John Ogilvie | St Jean de Brebuef |
Ikalawang puwesto | St Stanislaus Kostka | St John de Britto | St David Lewis | St Aloysius Rodriguez |
Ikatlong puwesto | St Noel Chabanel | St Francis Regis | St Bernardine Realino | St Philip Evans |
Mga nagwagi sa patimpalak sa Pinakamalinis na Silid-Aralan
Puwesto | Unang Taon | Ikalawang Taon | Ikatlong Taon | Ikaapat na Taon |
Unang puwesto
| St John Berchmans | St Edmund Arrowsmith | St Francis Xavier | St Philip Evans |
Ikalawang puwesto | Bl Peter Faber | St Robert Bellarmine | St David Lewis | St Jean de Brebuef |
Ikatlong puwesto | St Claude la Colombiere | St Peter Claver | St John Ogilvie | St Robert Southwell |