ISANG DEKADA NG SOTERO
G. Carlito Robin
Ipinagmamalaking ihandog ng Punlaan – ang opisyal na panteatrong organisasyon ng Mataas na Paaralan ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga ang dulang musikal na pinamagatang SOTERO SAMUANG: Naghahanap ng Kasama. Si Sotero ay isang bagong salta sa hayskul na naghahanap ng makakasama. Makasasalamuha niya ang iba’t ibang uri ng mag-aaral na may kani-kaniyang katangian. Layunin ng dulang ito na ikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang kahalagahang makapili ng tamang kaibigan at panatilihin ang pagiging totoo sa sarili at hindi magpapaapekto’t magbabago dahil lamang sa bugso at udyok ng paligid. Itinatanghal ang dula sa ikalawang silid-Audio-Visual ng hayskul sa magkakaibang oras mula Hunyo 23- 28, 2014. Ang dulang ito ay hango sa dulang Hervacio Tubulan na isinulat ni Mikael Rallonza ng Pamantasang Ateneo de Manila. Dinala ang dulang ito ni Fr. Francis Alvarez, SJ. taong 2004.