Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Migrated » DECEMBER 08, 2011

DECEMBER 08, 2011

Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary

Reading 1: Genesis 3:9-15, 20

Psalm: Ps 98:1, 2-3, 3-4

Reading 2: Epiphany 1:3-6, 11-12

Gospel: Luke 1:26-38


“For nothing will be impossible for God”

May mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na itinatanong natin kung bakit ang isang kaganapan o pangayayari sa ating buhay ay naganap. Kadalasan ang mga pagkakataong ito ay mga panahong nakararanas tayo ng matinding pagsubok, problema, o mga pangayayaring hindi natin inaasahan. Sa mga oras na kung tawagin ng iba ay “pasan natin ang mundo”, at pakiramdam natin ay wala ng pag-asa, at kung lahat ng ating naisip na paraan ay nagawa na at walang mabuting naidulot, isang paraan ang naiisip nating mga tao, yun ay ialay ang lahat sa Panginoon at magtiwala sa kaibuturan ng ating mga puso, hawak ang ating matinding panalangin at malalim na paniniwala sa Maykapal, na ang lahat ay maaayos rin.

Ako ay naniniwala na walang imposible sa akin, sa inyo, sa ating Diyos. Sa lahat ng problema at pagsubok na dumating sa aking buhay, kahit na dumating sa punto ng muntikang pagsuko, may kirot sa aking puso na nagsasabing hindi ako nag-iisa. At sa kabila ng lahat ng mga pangayayaring hindi ko inaasahang magaganap alam ko sa aking puso at paniniwala na ang Diyos ay kaakibat ko sa lahat ng panahon.

Katulad ng kaganapan sa buhay ni Maria, sa kabila ng maaring ihusga sa kanya ng mga tao sa panaong iyon, hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang inilaan sa kanya ng Panginoon. Naniwala siya na walang imposible sa Diyos at sa lahat ng pagkakataon ay nariyan SIya para gumabay.

Panawagan ko sa nalalpit na kapaskuhan, sana ay mahanap natin sa ating mga puso ang tunay na kahulugan ng pagdiriwang na ito. Maramdaman sana natin na ang Diyos ay kapiling natin at sa lahat n gating pinagdaanan, pinagdaraanan, at pagdaraanan, hindi niya tayo pababayaan sapagt walang imposible sa ating Panginoon.


MS. ANGELICA A. CLARIZ

Campus Minister