Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Migrated » Buwan ng Wika 2010 ipinagdiriwang sa hayskul

Buwan ng Wika 2010 ipinagdiriwang sa hayskul

Buwan ng Wika 2010 ipinagdiriwang sa hayskul

Ika-17 ng Agosto 2010
Fr William H Kreutz SJ Campus, Tumaga, Lungsod ng Zamboanga

Patuloy na ipinagdiriwang ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng iba’t ibang aktividades na inoobserbahan sa hayskul. “Sa pangangalaga ng Wika at Kalikasan, wagas na pagmamahal talagang kailangan” ang tema ng pagdiriwang sa taong ito.

Inilunsad ang pagdiriwang noong ika-2 ng Agosto kasabay ng paglunsad ng La Liga Atenista – ang ofisyal na pamahayagang pangmag-aaral sa Filipino ng hayskul ng ADZU.

Makulay namang idinaos ang Pista sa Nayon kahapon kung saan inihanda ng mga mag-aaral ang kani-kanilang silid-aralan batay sa iba’t ibang kapistahan sa buong kapuluan ng bansa. Tuwang-tuwa ring nagsiwaga ang iba’t ibang pangkat at individwal na mag-aaral na lumahok sa mga laro ng lahi partikular ang mga larong hilaan ng lubid at palasebo. Sumunod na idinaos ang misa bilang pagdiwang sa Kapistahan ng Pag-akyat ni Birheng Maria sa Langit na pinangunahan ni Padre Edwin Castillo U Castillo SJ.

Katuwang din ng pagdiwang ng Buwan ng Wika ang handog na dulang itatanghal ng Punlaan na pinamagatang ‘WANTED: Sotero Samuang” na mapanonood simula sa araw na ito hanggang sa ika-20 ng Agosto sa AVR 2.

Iba pang aktividades sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2010:

17 – 27  Hula Awit

28         Interskul na patimpalak sa SayAwit

31         Palatuntunang pangwakas

Mga paligsahan:
Malikhaing pagkukwento
Pangkatang pag-awit
Sabayang pagbigkas
Ecotourism Video

Tingnan: Mga Larawan