Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Senior High School News » Ilang Guro at Kawani ng SHS ginawaran sa taunang Service Awards ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Ilang Guro at Kawani ng SHS ginawaran sa taunang Service Awards ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga

Ang Pamantasang Ateneo de Zamboanga ay nagdaos ng kanilang Service Awards ngayong ika-15 ng Agosto 2024 sa Multi-Purpose Covered Courts 1, Salvador Campus. Ito ay isang taunang okasyon kung saan nagtitipon ang komunidad upang gawaran ng parangal ang mga miyembro nito na maging “men and women for and with others” sa pamamagitan ng kanilang kabutihan at serbisyo.

(Mula kaliwa pakanan) Dr Jane C Bascar, Direktor ng HRADO; Br Jeffrey U Pioquinto SJ, SHS Principal; Fr Guillrey Anthony “Ernald” M Andal, SJ, Pangulo ng Pamantasan

Nadagdagan ang maligayang pagdiriwang na ito dahil may ilan sa mga guro at kawani ng Mataas na Paaralang  Senyor ang ginawaran sa okasyon na ito. Si Leonar Aballe, Rosalina H Ajibun, Rommel G Bontucan, Claire F Duhaylungsod, Marian Gay C Fernandez, Al-Johan Ilacad, Mary Claire Lim, Rizzandra Manubay, Jeina Lynne I Nambli, Br Jeffrey U Pioquinto SJ, Sherwin DG Raz, Amelita L Recto, Camille L Regaspi, Armina A Wahid, at Jerson S Zabala ay kinilala para sa kanilang limang (5) taon ng serbisyo; si Diane S Candido at Meryll C Resoor ay kinilala para sa kanilang sampung (10) taon ng serbisyo; at si Clemencia Maria B Filoteo at Nikko Ballovar-Garcia ay kinilala para sa kanilang dalawampu’t limang (25) taon ng serbisyo.

Si Fr Ernald Andal, SJ habang nagbibigay ng kanyang mensahe para sa komunidad ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga.

Ibinahagi ni Fr Guillrey Anthony “Ernald” M Andal, SJ, Pangulo ng Pamantasan, na ang papel ng bawat miyembro ng komunidad ay mahalaga. Kanyang biinigyang-diin ang misyon tungkol sa kahalagahan ng pagbabago sa sarili higit pa sa makasariling pakinabang at idinagdag niya ang kanyang pag-asa na ang komunidad ay makatagpo ng kagalakan sa paglilingkod.

Ang kanilang serbisyo sa komunidad ay patunay ng katapatan at dedikasyon na karapat-dapat na tularan. Ito rin ay katibayan ng  patuloy na pagliyab ng Animo sa kanilang mga puso upang magpatuloy sa kanilang gawain bilang mga guro at kawani ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga.

Mga larawan kuha ni Ervie Ray Ganub mula sa Aguila Communications and Promotions Office – The Official Communications and Promotions Office of the Ateneo de Zamboanga University Senior High School