Makabuluhang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ‘15
Ika-7 ng Agosto 2015, araw ng Biyernes nagbigay ng signos ang mga mag-aaral sa Kinder at Unang baitang na simula na naman ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagbalandra ng mga banderitas na gawa ng mga munti na sumusunod sa temang: “Wikang Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran. Sinundan ito ng sunod-sunod na mga patimpalak gaya ng Wika at Ikaw na nilahukan ng buong mag-aaral ng Ateneo Grade School. Dito ipinamalas ng bawat mag-aaral sa bawat baitang ang lawak ng kanilang kaalaman sa bukabularyong Filipino. Gamit ang pagiging malikhain ng ikalawang baitang, lumikha ang mga mag-aaral ng “Hexagonal Art”. Ipinakita naman ng ikatlong baitang ang mga mukha ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mga maskara. Samantalang isinabuhay ng ikaapat na baitang ang bisyon nila sa kaunlaran sa pamamagitan ng pagbuo ng tau-tauhan. Ang ikalimang baitang ay ipinakita ang galing ng mga piling mag-aaral sa Deklamasyon. Malaking hamon naman ang pagbuo ng “rap song” ng mga klase ng ikaanim na baitang sa patimpalak na “Tunog ng Sikat” na nagbigay aliw sa buong komunidad sa araw ng Pampinid na programa ng Kagawaran ng Filipino.
Hindi nagpahuli ang mga mag-aaral na nanggaling sa iba’t ibang baitang na maipamalas ang kanilang kahusayan sa iba’t ibang patimpalak na pinagsumikapang ihanda ng mga guro ng Kagawaran ng Filipino.Hindi maisalawaran ang kagalakan ng mga mga sumusunod na mag-aaral sa pagkamit ng tagumpay.
QUIZ BOWL “WIKA at IKAW”
Unang Baitang:
Unang Puwesto: Carl Lawrence B. Sotto
Ikalawang Puwesto: John Paul Mar Castillo Jr.
Ikatlong Puwesto: Jose Anthony S. Barrrios
Ikalawang Baitang:
Unang Puwesto: Karl Ariane K. Demco
Ikalawang Puwesto: Faisal F. Asid
Ikatlong Puwesto: Andrei R. Garganera
Ikatlong Pwesto:
Unang Puwesto: Shana B. Al-Mesfer
Ikalawang Puwesto: Baljot Kaur B. Malhi
Ikatlong Puwesto: Diana Faith M. Ramos
Ikaapat na Baitang:
Unang Puwesto: Precious Glaiza Marie Lebig
Ikalawang Puwesto: Nicole Blythe G. Ignacio
Ikatlong Puwesto: Izaiah M. Ilaji
Ikalimang Baitang:
Unang Puwesto: Emil Jan K. Collado
Ikalawang Puwesto: Pricess Leah Jane Mahilum
Ikatlong Puwesto: Athea June Isnani
Ikaanim na Baitang:
Unang Puwesto: Rufia Gerylle D. Napao
Ikalawang Puwesto: Analiza I. Dasoc
Ikatlong Puwesto: Moh. Al Fadzi D. Ismael
DEKLAMASYON:
Unang Puwesto: Almyka Zofiya J. Loong ng V- St. Edmund Campion
Ikalawang Puwesto: Amirah R. Abdulkarim ng V- St. Claude La Colombiere
Ikatlong Puwesto: Shane Mae M. Bacalso ng V- St. Joseph Pignatelli
Ikaapat na Puwesto: Ameer- Pfizer A. Hassan ng V-St. Robert Southwell
Ikalimang Puwesto: Irina M. Tubanza ng V-St. Thomas Garnet
TUNOG NG SIKAT
Unang Puwesto: VI-St. Aloysius Gonzaga; Tagapayo: Gng. Josephine F. Arreza
Ikalawang Puwesto: VI-St. Melchior Grodecz; Tagapayo: Gng. Anabelle F. Gonzales
Ikatlong Puwesto: VI-St. John Berchmans; Tagapayo: Gng. Mary Grace S. Forniza
Ikaapat na Puwesto: VI-St. John Francis Regis; Tagapayo: Gng. Shirley Ann Z. Nabo
Ikalimang Puwesto: VI-St. Stanislaus Kostka; Tagapayo: Gng. Sheryl R. Caguioa
Hindi nagpahuli ang mga guro sa paggawa ng kani-kanilang mga “Juan T-Shirt Design”.
Ang mga sumusunod ay ang mga gurong nagsipagwagi.
Unang Puwesto: Gng. Ruby Aguidan
Ikalawang Puwesto: G. Roniel Y. Soriano
Ikatlong Puwesto: Gng. Emyjane M. Gelvero
Tanda ng pagkakaroon ng isang produktibong Buwan ng Wika isang “#AMBAG Pictorial” ang inihanda para sa iba’t ibang baitang at mga Kagawaran ng Mababang Paaralan ng AdZU.
Sa araw ng Pampinid na programa ng Kagawaran ng Filipino, sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nagsagawa ng isang “Misa ng Bayan” na pinangunahan ni Fr. Arnel T. Ong na dinaluhan ng mga mag-aaral mula Unang Baitang hanggang Ikaanim na Baitang.
Upang mapagtibay pa ang samahan ng mga guro at iba pang kawani ng Ateneo Grade School, nagkaroon ng isang simpleng piging para sa tanghalian sa paraan ng “Boodle Fight”.
Sa pagsapit ng hapon, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na muling sariwain ang mga “Laro ng Lahi” tulad ng Patintero, Tumbang Preso, at Luksong Baka. Dama ang gutom pagkatapos ng mga laro, isang simpleng salu-salo ang inihanda ng bawat klase na pinagsaluhan ng mga mag-aaral.
Sa kabuuan, isang maganda at matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang nasaksihan. Nawa’y isang paalala ito na ang Mababang Paaralan ng Ateneo de Zamboanga ay nakikiisa sa pagpapahalaga at pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Mabuhay ang Buwan ng Wikang Pambansa! Mabuhay!