Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Migrated » JHS nag-uwi ng ginto

JHS nag-uwi ng ginto

 

Inuwi ni Joshua Rommel H. Vargas, mag-aaral ng Mathematics Advanced Group of Integral Studies(MAGIS) ang kampeonato sa naganap na Interschool Mathematics-Statistics Quiz Bowl, nitong Biyernes, ika-05 ng Agosto sa Campion Hall, 2F Bellarmine-Campion Building ng Salvador Campus ng Ateneo.

Sinalihan ito ng 15 paaralan sa Zamboanga na may tig-tatatlong lahok. Kasama ni Vargas ang kanyang kaklase sa MAGIS na sina Adrian Lance C. Lagumbay at Isaiah M. Apolinario. Ang kanilang tagapagsanay ay si G. Ricky V. Baluca.

Ang tagumpay ni Vargas ay nagmarka sa JHS ng tatlong sunod-sunod na pagkapanalo mula pa noong 2014.

Ang mga kalahok ng JHS ay nagmula sa seksyon ng G10-Saint Francis Xavier.