Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Migrated » ISANG DEKADA NG SOTERO

ISANG DEKADA NG SOTERO

ISANG DEKADA NG SOTERO

G. Carlito Robin

Ipinagmamalaking ihandog  ng Punlaan – ang opisyal na panteatrong organisasyon ng Mataas na Paaralan ng  Pamantasang Ateneo de Zamboanga ang dulang musikal na pinamagatang  SOTERO SAMUANG: Naghahanap ng Kasama. Si Sotero ay isang bagong salta sa hayskul na naghahanap ng makakasama. Makasasalamuha niya ang iba’t ibang uri ng mag-aaral na may kani-kaniyang katangian. Layunin ng dulang ito na ikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang kahalagahang makapili ng tamang kaibigan at panatilihin ang pagiging totoo sa sarili at hindi magpapaapekto’t magbabago dahil lamang sa bugso at udyok ng paligid. Itinatanghal ang dula sa ikalawang silid-Audio-Visual ng hayskul sa magkakaibang oras mula Hunyo 23- 28, 2014. Ang dulang ito ay hango sa dulang  Hervacio Tubulan na isinulat ni Mikael Rallonza ng Pamantasang Ateneo de Manila. Dinala ang dulang ito ni Fr. Francis Alvarez, SJ. taong 2004.

Previously Posted