Ang Kagawaran ng Filipino ay naglalayong hubugin at maitanim ang pagka-Filipino sa pamamagitan ng paglinang, pagpapayaman, at pagsasabuhay ng mabuting halagahan, kaugalian, at asala na inaasahan sa isang mamamayang Filipino.
Hangarin ng Kagawarang Filipino na maikintal sa mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo o mapanuring pag-iisip, pagiging makadiyos na may pagpapahalaga sa kapwa at kapaligiran, at pagpapahalagang pampanitikan sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.