Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Senior High School News » Kaligtasan dulot ng Pagbibigay

Kaligtasan dulot ng Pagbibigay

Lumahok ang mga guro, kawani, estudyante, at bisita sa inisyatibong donasyon ng dug* na ginanap sa FWS Lobby ngayong araw, Agosto 16, 2024. Ang kaganapan ay inorganisa ng Unit Infirmary na pinangunahan ni Bb. Lady Ivy Mañalac, sa pakikipagtulungan ng Red Cross Youth Club Senior Plus na pinamumunuan ni G. Heron S Bendijo, at ng Philippine Red Cross Zamboanga City Chapter. Ang aktibidad, na tumagal mula 9:00 NU hanggang 3:00 NH, ay nakakuha ng limampu’t walo (58) na nagparehistro.

Layunin nito na magbigay ng direktang tulong at itaguyod ang malasakit para sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo. Binibigyang-diin din nito ang halaga ng Ignatian Value na Cura Personalis na naglilikha ng makabuluhang epekto nito sa buhay ng iba.

Ang kaganapang ito ay nagpapakita ng kolaboratibong pakikipagtulungan sa pagitan ng Ateneo de Zamboanga University Senior High School at ng Philippine Red Cross sa pamamagitan ng kanilang Good Samaritan Program, na tinitiyak ang sapat na suplay ng dugo para sa mga pangangailangan ng mga guro, kawani, at estudyante.

Umaasa ang mga tagapag-organisa na itaguyod ang kalidad ng pangangalaga sa kalusugan sa loob ng komunidad ng SHS na nag-uudyok sa mga empleyado at estudyante na makilahok sa mga inisyatibong pangkalusugan na makatutulong sa pagligtas ng buhay at pagsulong ng pag-unlad sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan sa iba’t ibang isyu na may kaugnayan sa kalusugan.

Mga larawan kuha ni Ervie Ray Ganub mula sa Aguila Communications and Promotions Office – The Official Communications and Promotions Office of the Ateneo de Zamboanga University Senior High School