Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Senior High School News » Kauna-Unahang Parents Orientation 2024 Idinaos ng AdZU SHS

Kauna-Unahang Parents Orientation 2024 Idinaos ng AdZU SHS

Noong Agosto 10, 2024, nagdaos ang Mataas na Paaralang Senyor ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga ng kauna-unahang Parents’ Orientation para sa Taong Panuruan 2024-2025. Idinaos ito sa Multi-Purpose Covered Courts 1. Pinangunahan ito ng Home and School Relations Office na pinamumunuan ni Ms. Danica Priscille Bongat.

Ang Parents’ Orientation ay isinasagawa tuwing pasukan. Ito ay isang pagkakataon para sa mga magulang at tagapag-alaga na makapaghanda sa mga programa, patakaran, pamamaraan, at pasilidad ng paaralan. Nakatutulong din ito upang mas makilala nila ang paaralan.

Ito rin ay isang daan para makipag-ugnayan sa mga administrador, guro at kawani ng paaralan na nagtataguyod ng kolaborasyon upang epektibong masuportahan ang pag-unlad ng mga mag-aaral at matugunan ang pangangailangna ng mga ito.

Wika ni Ms Bongat na naniniwala siyang matagumpay ang gawaing ito. Maraming mga magulang at tagapag-alag ang dumalo at nakilahok at ito ay isang patunay kung gaano katapat ang ating mga magulang sa kanilang pakikilahok sa mga aktibidad ng paaralan at edukasyon ng kanilang mga anak.

Palaging nakatuon ang paaralan sa pagbubuo hindi lamang ng mga mag-aaral nito kundi pati na rin ng kanilang mga magulang. May nakalaan na mga sunud-sunod na aktibidad upang bigyan ng kaukulang paghubog, pakikipag-ugnayan, at pakikilahok ang mga minamahal na magulang.

Kabilang sa mga ganitong aktibidad ay ang mga Formation Sessions para sa mga magulang kung saan tatalakayin ang mga nararapat na paksa upang matulungan at mapagkalooban sila ng mahalagang kaalaman at suporta pagdating sa kanilang anak.

Previously Posted