
Pormal nang sinimulan ang youth validation at walk-through para sa kursong Protection from Sexual Exploitation and Abuse, sa pangunguna ng LEaP! Programme Team ng Ateneo Learning and Teaching Excellence Center (ALTEC) ng Ateneo de Zamboanga University at Florinor F. Algo, PSEA Consultant, UNICEF Philippines, noong ika-28 ng Marso 2025.
Layunin ng programang ito na maisama at makonsulta ang bawat stakeholders at kabataan patungkol sa kursong ito. Isang magandang hudyat ng sama-samang pagbuo ng mga pagsasanay na hindi nalalayo sa danas ng bawat kabataan at naaayon sa kasalukuyang konteksto at kanilang pangangailangan.
Ang nasabing youth validation ay dinaluhan ng mga kabataan mula sa Five LEaP! Programme Sites kabilang ang Angeles City, Northern Samar, Zamboanga City, Zamboang del Norte, and Cagayan de Oro City.Inaasahan na magiging parte ang kursong PSEA ng YOMA at Passport 2 Earning, dalawang digital platforms na nagbibigay ng libreng pagsasanay para sa mga kabataan.
Samantala, kasabay nito ay kasalukuyang naglulunsad ang LEaP! Programme Team ng series of Information Session para sa mga Youth-Serving Organizations na nagnanais makakuha ng community grant at maging implementing partner ng LEaP!. Mangyayari ang huling batch ng session bukas, ika-29 ng Marso, sa ganap na alas-9 ng umaga.