Balik-eskuwela, umarangkada na
Isinulat nina Algenne Marhee P. Amiruddin (10 – St. Xavier) at Zhareena Tawasil (9 – St. Claver)
Sinimulan ng Junior High School ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga ang unang araw ng pasukan sa isang pambungad na palatuntunan na ginanap sa bulwagan ng paaralan noong ika-13 ng Hunyo.
Pinangunahan ni Fr. Stephen T. Abuan, SJ, punongguro ng JHS ang nasabing palatuntunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pambungad na pananalita at pagpapakilala sa pamunuan ng administrasyon. Sinundan ng pagpapakilala ng mga Katuwang ng Punongguro sa bumubuo ng kanilang kagawaran na sina Gng. Evelyn Q. Bugayong, G. Jeffrey O. Jalani at G. Honey Rod T. Alfaro. Nagpakilala rin ang mga tagapag-ugnay ng iba’t ibang kagawaran sa kanilang mga guro.
Pagkatapos ng pagpapakilala, ibinandila ng mga kinatawan ang class banners at isa-isa nang ipinakilala ang mga seksyon ng bawat baitang. Nagtapos ang palatuntunan sa pagawit ng El Animo Ateneo. Sina G. Paul Borromeo at Bb. Kahee Nephil Dhakal ang nanguna sa seremonya.