Kuha ni Kristel Barrios ng Ferndale International School
(Kampeon sa interschool na patimpalak sa pagkuha ng larawan na pumaksa sa 100 Pagdiriwang ng Pagkamamamayan ng Ateneo de Zamboanga University)
PAGLALARAWAN:
Pista sa Ateneo! Pinagsabay nila ang Intramurals at Pista sa Nayon. Nagkaisa ang mga estudyante para sa isang paligsahan. Lahat ng silid sa paaralan ay dinikurasyonan ng iba’t ibang palamuti base sa kanilang napiling pista.
Kuha ni Jennievie Arevalo ng Zamboanga Chong Hua High School
(Ikalawang puwesto sa interschool na patimpalak sa pagkuha ng larawan na pumaksa sa 100 Pagdiriwang ng Pagkamamamayan ng Ateneo de Zamboanga University)
PAGLALARAWAN:
PAGKAKAISA SA PUSO NG ISANG ATENISTA. Pro Deo et Patria! Taas-noong ipinagmamalaki ng kabataang ito ang kanilang pagka-Pilipino. ‘Yan ang tunay na dugong Atenista! May pakikipagkapwa-tao, may isang layunin tungo sa pagtatagumpay at higit sa lahat may takot sa Diyos.
Kuha ni Hannah Faith A Guevarra ng Claret School of Zamboanga City
(Ikatlong puwesto sa interschool na patimpalak sa pagkuha ng larawan na pumaksa sa 100 Pagdiriwang ng Pagkamamamayan ng Ateneo de Zamboanga University)
PAGLALARAWAN:
Ang tunay na pagkamatulungin ng mga Atenista ay ipinapakita sa larawan sa itaas. Sila ay nagtutulungan na ayusin ang pagkain. Batay sa aking mga pagsusuri, sadyang matulungin ang mga Atenista.