Makabuluhang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ‘10
Agosto 26, 2010 ang sinimulan ang Buwan ng Wika sa tema: “Sa Pangangalaga ng Wika At Kaikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan”. Inumpisahan
nina G. Randy Peromingan at G. Albert Abtahi ang panalangin at sinundan ito ng Pambansang Awit. Nagbigay naman ng pambungad na pananalita si Gng. Mercedita Espiritusanto. Matapos magbigay ng pambungad na pananalita, ay Matapos magbigay ng pambungad na pananalita, ay nagbigay ng espesyal na pagtatanghal ang mga napiling mag-aaral mula Senior Preparatory, una at ikalawang baitang.
Nagsi-parada ang mga napiling mag-aaral mula sa ikatlo at ikaapat na baitang sa paligsahan ng Paglikha ng Kasuotan. Nakamamangha ang mga makulay at magarbong kasuotang na may kaugnayan sa tema ng pagdiwiriwang ipinarada na nagmula sa iba’t ibang pangkat etniko ng Luzon, Visayas at Minadanao. Nasaksihan ng buong mag-aaral ng Ateneo Grade School ang iba’t ibang klaseng ng kasutoan na likha ng indigenous at recycled na kagamitan.
Nagpasiklaban ng galing naman ang sampu na kalahok mula ikalima at ikaanim na baitang sa paligsahan ng Masining na Pagkukuwen
to. Ang bawat kalahok ay nagbigay ng kani-kanilang kahulugan sa pamamagitan ng pagkukuwento at pagtutula.
Kitang-kita ang kasabikan sa mga mata ng bawat mag-aaral nang ipinahayag na ng puno ng inamapalan ang mga nagwagi sa pagligsahan sa Paglikha ng Kasuotan at Masining sa Pagkukuwento.
Ang mga nagwagi sa Paligsahan sa Paglikha ng Kasuotan:
Unang puwesto: Lara Faith O. Cuenco IV – St Alexander Briant
Ikalawang puwesto: Mary Faye Alba III – St. Ignatius of Loyola
Ikatlong puwesto: Sharmaine Marie R. Caguioa IV – St. Philip Evans
Ang mga nagwagi sa Paligsahan sa Masining sa Pagkukuwento.
Unang puwesto: Meela Rixsa A Alfad VI – St Thomas Garnet
Ikalawang puwesto: Allan Mar R. Lim V – St. Alphonsus Rodriguez
Ikatlong puwesto: Bianca Mae O. Quitoy – St. Isaac Jogues