Buwan ng Wikang Pambansa 2011
Ika – 26 ng Agosto, 2011/8:00 – 11:30 ng Umaga
Patimpalak: Pag-awit (Awiting Filipino)
Kalahok: Piling mag-aaral ng Senior Preparatory at Unang Baitang
Panuntunan:
- Ang paligsahang ito ay bukas para sa mag-aaral ng Senior Preparatory at Unang Baitang.
- Ang bawat seksyon ng nasabing antas ay pipili ng isang kinatawan na magsisilbing kalahok.
- Malayang makapipili ang bawat kalahok ng isang awiting Filipino na magpapaalala ng ating pagka-Filipino.
- Ang bawat kalahok ay inaasahang maghanda ng kani-kanilang minus one tape o cd. Maaari ring gumamit ng gitara o ibang instrumento na makatutulong sa kanilang pagtatanghal.
- Inaasahan na ang lahat ng mga kalahok ay maghahanda ng kanilang kasuotang angkop sa kanilang napiling awitin.
- Ipinapaalala na ang pasya o hatol ng lupon ng inampalan ay pinal at di -maipaghahabol o mababago.
Pamantayan para sa Paghuhusga:
Tonal/Voice Quality —————- 35%
(Beauty of sound and control)
Timing —————- 30%
Choice of Song —————- 15%
Diction —————- 15%
(Naturalness, purity of words, clarity)
Costume —————- 5%
100%
Patimpalak: Folk Dance ng Zamboanga
Kalahok: Piling mag-aaral ng Ikalawa at Ikatlong Baitang
Panuntunan:
- Ang paligsahang ito ay bukas para sa mag-aaral ng ikalawa at ikatlong baitang.
- Ang bawat antas (level) ay bubuo ng tatlong pangkat na may walo (8) hanggang sampung (10) kasapi.
- Ang bawat kalahok ay magpalabunutan mula sa tatlong katutubong sayaw ng Zamboanga na nasa ibaba gayundin ang kanilang bilang upang maging maayos ang daloy ng palatuntunan na gaganapin sa Agosto 26, 2011.
a. No Te Vayas. b. Vamos c. Chavacano - Ang pagtatanghal ng bawat kalahok ay hindi kukulangin sa tatlong (3) minuto at hindi hihigit sa limang (5) minuto kasama na ang pagpasok o paglabas.
- Ang bawat kalahok ay maaaring gumamit ng cassette tape o cd music o tunay na instrumento o kagamitan na angkop sa sayaw at kultura ng nasabing pang-etniko.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng dalubhasang tagapagasanay para sa patimpalak na ito. Ang tulong ng tagapayo o mga guro na nagtuturo sa nasabing antas ay lubos na hinihikayat.
- Mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit ng pyrothecnics, smoke machines, o mga palamuti sa mukha na hindi kailangan.
- Dapat ang kasuotan at kagamitan ay angkop sa sayaw na nabunot. Ito ay kailangan upang mabigyan ng hustiya ang kultura ng nabunot na sayaw.
- Ipinapaalala na ang pasya o hatol ng lupon ng inampalan ay pinal at di -maipaghahabol o mababago.
Pamantayan para sa Paghuhusga:
- Choreography —————- 30%
- Relevance to the Culture/Group presented —————- 25%
- Synchronization, Grace and Rhythm —————- 20%
- Costume and Props —————- 15%
- Over – all impact —————- 10%
100%
Patimpalak: Simbolo ng Pagka-Pilipino (3D Arkitekturang Modelo)
Kalahok: Mag-aaral ng Ikaapat na Baitang
Panuntunan:
- Ang paligsahang ito ay bukas para sa mag-aaral ng ikaapat na baitang.
- Ang bawat baitang ay bubuo ng sampu (10) hanggang labinglimang (15) kasapi.
- Hinahamon ang lahat ng kalahok na lumikha ng isang 3D arkitekturang Modelo o senaryona nagpapakit ng isang simbolo, kaugalian o tradisyon na naging bahagi o kontribusyon sa ating kasaysayan na isang tatak ng ating pagiging Pilipino.
- Ang mga kagamitan na maaring gamitan ay ang mga sumusunod:
90% – Recyclables (tulad ng plastic bottles, cups, lata, candy wrappers, milk boxes atbp) or indigeneous (tulad ng cocnut shells or leaves, twigs or small branches of trees, dead leaves, roots, wood, Cd’s, kawayan, atbp.
10% – Non – recyclable materials (tulad ng glue, paint, nails, wire, atbp.)(Note: Bibigyan ang bawat kalahok ng canvas na pare-pareho ang sukat)
sukat: 24 x 36 inches – 5-15 inches ang taas - Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng isang dalubhasang tutulong sa bawat kalahok para sa paligsahang ito gayundin din ang paggawa sa bahay o sa labas ng Ateneo kampus. Ang tulong ng tagapayo at ng buong klase ay lubos na hinihikayat sa pagpaplano at paghahanda ng mga kagamitan na kakailanganin.
- Pinapaalala sa lahat ng mga kalahok ang mahigpit na pagsunod sa itinakdang iskedyul na nasa ibaba.
Petsa | Oras | Itinakdang Gawain |
Agosto 8-10, 2011 | Flexible |
|
Agosto 15 – 17 AM, 2011 | Flexible |
|
Agosto 17 (PM) | 1:10 – 4:10 |
*** (Maaaring tumulong ang tagapayo kasama ng mga napiling kinatawan o kalahok na 10-15 kasapi) |
Agosto 18, 2011 | 7:30 – 11:30 |
(Maaaring tumulong ang tagapayo) |
Agosto 19, 2011 | 1:10 – 4:10 |
|
Agosto 22, 2012 | Flexible |
|
Agosto 23, 2011 | Whole day |
|
7. Ang paglabag sa alinmang panuntunan ay nangangahulugan ng pagwawalang bisa ng kanilang pagsali sa patimpalak.
8. Ang lahat ng mga magwawagi ay ipahahayag sa culminating program sa darating na Agosto 26, 2011.
9. Ipinapaalala na ang pasya o hatol ng lupon ng inampalan ay pinal at di -maipaghahabol o mababago.
B. Pamantayan para sa Paghuhusga:
- Relevance to the theme —————- 35%
- Creativity —————- 30%
- Structural Design —————- 20%
- Overall impression —————- 15%
100%
Patimpalak: Paglikha ng Documentary Video
Kalahok: Mag-aaral sa Ikalimang Baitang
Panuntunan:
- Ang paligsahang ito ay bukas para sa mag-aaral ng ikalimang baitang.
- Ang bawat seksyon ay bubuo ng tatlo (3) hanggang limang (5) kasapi.
- Hinahamon ang bawat seksyon na lumikha ng isang documentary video gamit ang mga larawan ng mga aktibidades, programa o pagdiriwang, mga paligsahang sinalihan ng mga mag-aaral ng buong Ateneo Grade School sa loob ng dalawang taon at ng kasalukuyang taon. Ang lilikhaing documentary video ay may kaugnyan sa tema ng Buwan ng Wikang Pambansa 2011.
- Ang nalikhang documentary video ay hindi kukulangin sa tatlong (3) minuto at hindi hihigit sa limang (5) minuto.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng dalubhasang maaaring tumulong sa klase o ang paggawa sa bahay o sa labas ng Ateneo kampus para sa patimpalak na ito. Ang tulong ng tagapayo at ng mga kaklase ay lubos na hinihikayat sa pagpaplano at paghahanda ng mga kakailanganing larawan o kagamitan para sa lilikhaing video. Subalit sa araw ng paligasahan ang napiling mga kinatawan lamang ang gagawa at makapapasok sa loob ng computer laboratory.
- Pinapaalala sa lahat ng mga kalahok ang mahigpit na pagsunod sa itinakdang iskedyul na nasa ibaba.
Petsa | Oras | Itinakdang Gawain |
Agosto 15, 2011 | 1:10 – 4:10 |
|
Agosto 16, 2011 | Flexible |
|
Agosto 16–18, 2011 | Flexible |
|
Agosto 19, 2011 | 1:10 – 4:10 |
|
Agosto 19, 2011 | 4:10 |
|
Agosto 22, 2012 | Flexible |
|
7. Ang paglabag sa alinmang panuntunan ay nangangahulugan ng pagwawalang bisa ng kanilang pagsali sa patimpalak.
8. Ang lahat ng mga magwawagi ay ipahahayag sa culminating program sa darating na Agosto 26, 2011.
9. Ipinapaalala na ang pasya o hatol ng lupon ng inampalan ay pinal at di -maipaghahabol o mababago.
B. Pamantayan para sa Paghuhusga:
Content
(Presentation and clarity) —————- 35%
Relevance to the theme —————- 20%
Design/Creativity —————- 20%
Originality —————- 15%
Impression —————- 10%
100%
Patimpalak: Deklamasyon (Declamation)
“Isusumbong kita sa Diyos” ni: T.S. Ragos
Mga Kalahok: Piling mag-aaral ng Ikaanim na Baitang
Panuntunan:
- Ang paligsahang ito ay bukas para sa mga klase ng ikaanim na baitang.
- Ang bawat seksyon ng bawat baitang ay pipili ng isang kinatawan na magsisilbing kalahok ng nasabing seksyon.
- Isang piyesa lamang ang magsisilbing ‘contest piece’ ng lahat ng mga kalahok.
- Ang pagtatanghal ng bawat kalahok ng kanilang deklamasyon ay hindi kukulangin sa tatlong (3) minuto at hindi hihigit sa anim na (6) minuto.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng dalubhasang tagapagsanay para sa patimpalak na ito. Ang tulong ng tagapayo at mga kaklase ay lubos na hinihikayat.
- Dapat ang kasuotan at kagamitan ay angkop sa piyesa.
- Ang hatol ng lupon ng inampalan ay pinal at din a maipaghahabol o mababago.
Pamantayan para sa Paghuhusga:
Delivery of Speech —————- 30%
Enunciation —————- 20%
Voice quality —————- 20%
Gestures/deportment/stage presence —————- 20%
Memory —————- 5%
Costume/Props —————- 5%
100%