Araw ng Kalayaan, ibinandila ng JHS
Isinulat ni Sheriemike L. Gadin (10 – St. Xavier)
Ginunita ng JHS ang pagdiriwang sa ika-118 na Araw ng Kalayaan na may temang “Kalayaan 2016: Pagkakaisa, Pag-aambagan, Pagsulong” na pinangunahan ng Kagawaran ng Araling Panlipunan.
Nagsimula ito sa maikling pagtatanghal ng kasaysayan ng Punlaan – opisyal na panteatrong organisasyon ng JHS na sinundan ng paglalahad ni G. Rovic John Eslao, guro ng Araling Panlipunan ang tungkol sa Filipino Heroism.
Nagkaroon ng panunumpa ang mga kinatawan ng mga mag-aaral. Kasunod nito ang isang mensahe mula kay Fr. Stephen T. Abuan, SJ. Nagtapos ito sa pag-awit ng Duyan ng Magiting, simbolo ng pagkakaisa ng komunidad. Ang guro ng palatuntunang ito ay si G. Giovanni Jasmin, tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Araling Panlipunan.