Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Search
Close this search box.
Home » Migrated » ADZU HS, kampeon sa Sabayang Pagbigkas

ADZU HS, kampeon sa Sabayang Pagbigkas

ADZU HS, kampeon sa Sabayang Pagbigkas
Ika-27 ng Agosto 2010
Fr William H Kreutz SJ Campus, Tumaga, Lungsod ng Zamboanga

Kampeon ang pangkat-kalahok ng Pamantasang Ateneo de Zamboanga sa patimpalak na madulang sabayang pagbigkas na ginanap kahapon sa Claret School of Zamboanga kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2010.

Itinanghal na kampeon ang klase ng IV St Claude de la Colombiere na kumatawan sa ADZU hayskul sa pagtatanghal nila ng piyesang ‘Ang awit ng hangin’ alinsunod sa tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika nitong taon na “Sa pangangalaga ng Wika at Kalikasan: Wagas na Pagmamahal talagang Kailangan.”

Masasaksihan muli ang nasabing pagtatanghal sa ika-31 ng Agosto bilang bahagi ng palatuntunang pangwakas ng pagdiriwang.